‘KAHIT KATITING SA WPS, ‘DI ISUSUKO SA CHINA’

locsin

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANINDIGAN si Foreign Affairs Secretary Teddy `Boy’ Locsin na hindi nito isinusuko ang kahit katiting na teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa China.

“We will never surrender a square inch what we claim is ours. We have not withdrawn an  square inch (on)  what we claim is ours,” pagtitiyak ni Locsin sa mga mambabatas.

Patuloy umano nilang ilalaban ang pag-aari ng Pilipinas sa WSP patunay ang 63 diplomatic protest na naihain na ng kanyang ahensya laban sa China kahit alam nilang itinatapon lang ng nasabing bansa ang mga ito sa aniya’y “breakwater”.

Sa nasabing bilang, 39 ang naihaing diplomatic protest ang naihain ng nagdaang administrasyon ng DFA habang 24 umano ang naisampa ni Locsin simula nang maging kalihim ito ng departamento.

Kung ang obserbasyon ng ilang dayuhang diplomat ang pagbabasehan, hindi mareresolba ang gusot sa West Philippine Sea (WPS) sa loob ng susunod na 20 taon.

Ito ang sinabi ni Locsin sa mga mambabatas sa House committee on appropriation kung saan idinepensa nito ang P22.47 Billion na pondo ng Department of  Foreign Affairs (DFA) sa susunod na taon.

“Well, if I look at the future, this what I see,,,,none  of the conflicting issue in south China sea will be resolved in 20 years from now….,” ani Locsin ukol sa sinabing obserbasyon umano ng Foreign Secretary ng Singapore.

Nasakop na ng China ang 7 reef na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas sa WPS na tinayuan nila ng kanilang military bases habang ganito din ang problema ng Vietnam sa nasabing bansa.

 APOLOGETIC DUTERTE SA PAGTALAKAY SA WPS KAY XI ITINANGGI

Itinanggi rin ng Kalihim ang ulat na naaging apologetic umano si Pangulong Rodrigo Duterte nang talakayin kay Chinese President Xi Jinping ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration (PCA) laban sa China sa WPS.

“The report that the president was apologetic in raising the arbitral award….that’s total fabrication and in every aspect it  completely lie,” ani Locsin.

Magugunita na  napaulat na hindi umano kinilala ni Xi ang panalo ng Pilipinas matapos itong talakayin ng Pangulo sa kaniyang “official visit” sa China noong nakaraang linggo.

189

Related posts

Leave a Comment