(NI BERNARD TAGUINOD)
MAGIGING “labanan” ng mag-amang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte ang posisyong babakantehin ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa 18th Congress.
Ito ang pananaw ng mga mambabatas sa Kamara kung saan inaabangan kung sino ang masusunod sa mag-amang Duterte sa magiging pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay opposition Congressman Rep. Edgar Erice ng Caloocan City, naniniwala pa rin ito na si Pangulong Duterte ang masusunod kung sino ang maluluklok na Speaker sa susunod na Kongreso.
“I think the speakership will really be decided by the President after the election, “ ani Erice dahil tiyak na ang kumpas ang Pangulo ang susundin aniya ng kanilang mga kaalyado mambabatas sa Kamara mula sa iba’t ibang partido.
Gayunpaman, kung si Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang tatanungin, hindi puwedeng iitsapuwera ang impluwensya ni mayor dahil maaaring siya ang susundin ng mga kongresista sa pagpili ng susunod na speaker.
“Malaki ang impact ng endorsement ni Sarah. No doubt, whoever gets the endorsement will have a big edge,” ani Atienza lalo na’t ito aniya ang chairperson ngayon ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Kabilang sa mga inendorso ni Mayor Sara kamakailan na maging susunod na Speaker ay sina dating Leyte Rep. Martin Romualdez at Marindue Rep. Lord Allan Velasco sa magkahiwalay ng kampanya ng HNP.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na kapartido ni Duterte sa PDP-Laban si Alvarez at malapit din ito sa kanyang dating runningmate na si dating Sen. Alan Peter Cayetano na babalik sa Kongreso.
Lumulutang din ang pangalan nina dating Vice President Jejomar Binay, Cavite Rep. Bambol Tolentino, Malabon Rep. Ricky Sandocal at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, San Juan Rep. Ronaldo Zamora, at Cavite Rep. Alex Advincula, sa Speakership sa 18th Congress.
262