(Ni FRANCIS SORIANO)
IPINAG-UTOS ng Korte Suprema sa Manila City Regional Trial Court (RTC), Branch 5 na muling buhayin ang criminal case, kabilang na ang kasong reckless imprudence, laban sa opisyal ng Sulpicio Lines, Inc. (SLI).
Sa 20-pahinang desisyon na isinulat ni Justice Jose C. Reyes, Jr., pinagbigyan ng Supreme Court (SC) Third Division ang consolidated petitions ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Preside Rieda-Acosta at binaligtad ang naunang desisyon noong March 22, 2013 at ang January 8, 2014 resolution ng Court of Appeals (CA) na pumapabor sa respondent na si Edgar S. Go, SLI First Vice-President for Administration at team leader ng Crisis Management Committee.
Noong 2009, pormal na kinasuhan ng Department of Justice (DoJ) panel si Go ng criminal at civil liability dahil sa kapabayaan kasama ang ilang personalidad ng reckless imprudence sa Manila RTC.
Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon ng DoJ panel na kasama si Go na nagdesisyon kung papayagan bang maglayag o hindi ang kanilang barko dahil sa sama ng panahon.
Ang M/V Princess of the Stars, passenger/cargo vessel ay pinatay ng typhoon Frank noong June 2008 sa karagatan ng Sibuyan Island sa Romblon habang patungo ito sa Cebu galing ng Manila lulan ang mahigit 800 pasahero.
Dahil dito ay nagdesisyon na hindi na muling maaaring maglayag ang barko na may pasahero kundi cargo operations na lamang makaraan kanselahin ang certificate of public convenience for the transport of persons ng Maritime Industry Authority’s noong 2015.
Matatandaan na lumubog din ang limang barko noong 1980 hanggang 2008 na Sulpicio Container I, Doña Paz noong 1987, Doña Marilyn noong 1988, Princess of the Orient noong 1998 at Princess of the Stars noong 2008.
183