LACSON KINA ARROYO AT ANDAYA: ‘TANGGIHAN N’YO ANG MULTI-BILYONG PORK BARREL N’YO!’

LACSON-ANDAYA-ARROYO.jpg

(Ni NOEL ABUEL)

Hinamon ni Senador Panfilo Lacson sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na tanggihan ang P4.3 bilyong pork barrel nila na ipinasok sa P3.757 trilyong mungkahing national budget ng administrasyong duterte para sa susunod na taon.

Sabi ni Lacson, “If the “pork” in Pampanga and Camarines Sur worth some P4.3 billion stemmed from a misplaced gesture of generosity, the beneficiaries can show good faith by declining such amounts.”

Umabot sa P2.4 bilyon ng pork barrel ni Arroyo, samantalang P1.9 bilyon naman ang kay Andaya.

Ang pork barrel ay itinuturing na isa sa mga pinagkukunan ng yaman ng mga mambabatas, kaya tahasang tutol si Lacson dito noon pa mang nagsisimula siyang maging senador.

Ang hamon ng senador ay tugon niya matapos ihayag ni Andaya na ang kanyang P1.9 bilyong pork ay pagpapakita lamang ng “misplaced generosity” sa public works regional directors para magamit sa pagpondo sa mga proyekto nito sa kanyang lalawigan.

“Since Majority Leader Andaya claims that the huge earmarks for his and Arroyo’s districts are a case of ‘misplaced gesture of generosity,’ maybe they can display a ‘genuine gesture of good faith’ by deleting or reducing those humongous allocations,” ratsada ni Lacson.

Ang P4.3 bilyon nina Arroyo at Andaya ay iba pa sa tig-P60 milyong pork barrel na ipinasok sa badyet ng baat kongresista para sa kani-kanilang nasasakupan na ipinasa ng Mababang Kapulungan.

Sinimulan nang busisiin at alamin isa-isa ng mga senador ang mungkahing P3.757 trilyong national budget.

118

Related posts

Leave a Comment