Mag-mask kahit solo sa kotse, bumili ng SUV para hindi masita sa bagong polisiya PALASYO PAHIRAP SA TAO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

INALMAHAN ng mga motorista ang bagong polisiya na magsisimulang pairalin ngayong araw ng pamahalaan dahil sa kawalan umano ng katuturan at dagdag pang pahirap sa tao.

Ang polisiya ay ang mandatory na pagsusuot ng face mask kahit ng mga solo driver at ang pagbabawal sa mga batang may edad 12 pababa, gayundin ang mga mas mababa pa sa 4’11 height, na umupo sa front seat ng mga pampribadong sasakyan.

Sa Malacañang briefing nitong Lunes, sinabi ni Cabinet secretary Karlo Nograles na mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga pribadong sasakyan kahit pa nag-iisa ang driver.

Sa mga pampublikong lugar aniya, obligadong gumamit ng face mask at face shield ngunit sa pribadong sasakyan kahit solo ang driver ay kailangan pa rin nitong magsuot ng face mask.

“Wala yata naisyu na (guideline) nagsasabi ng iba. Ako kapag when in case of doubt, safety na lang tayo. Mahirap pagdating ng labas makikipagtalo pa sa enforcer. Interpretation nila ‘yun. In case of doubt let’s be extra cautious. Kahit nasa private vehicle magsuot ng face mask,” ani Nograles.

Ayon sa ilang social media user, may mga driver na pinagmulta ng P2,000 dahil umano sa hindi pagsusuot ng face mask at ang inilagay na violation ay “reckless driving.”

Nangako naman si Nograles na tatalakayin nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang nasabing usapin upang mabigyang linaw ang guidelines.

“‘Di ko alam kung bakit nakabit sa reckless driving po ‘yun, actually mas mabigat na parusa sa Notifiable Diseases Act,” pahayag ni Nograles.

Noong Mayo, naglabas ng memorandum ang Land Transportation Office (LTO) na nag-oobliga sa mga driver at pasahero ng pribado at government vehicles na laging magsuot ng face mask.

Nagdulot naman ito ng kalituhan dahil ayon sa LTO at DOTr, hindi sakop ng memorandum ang mga mag-isang bumibiyahe sa pribadong sasakyan. Para naman sa PNP, kailangan lang magsuot ng face mask ang driver kung bumibiyahe ito nang nakabukas ang bintana ng sasakyan.

Samantala, ang Child Safety in Motor Vehicles Act ay mahigpit na ring paiiralin ngayong araw.

Noon pang Pebrero 2019 nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas ngunit ngayong taon lang magiging epektibo ang mandatory compliance nito.

Ang mga bata na hindi maaabot ang kinakailangang height requirement ay kailangang gumamit ng child restraint system o car seat.

Ayon kay Land Transportation Office – Law Enforcement Service deputy director Robert Valera, ang child restraints sa mga kotse ay kailangan upang tiyakin na magiging ligtas ang mga bata sa kanilang upuan kung sakali man na biglang magkaroon ng aksidente.

Ang sinomang lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 para sa first offense; P2,000 para sa second offense, habang P3,000 naman at isang taong suspension ng drivers’ license para sa ikatlo at susunod pang paglabag.

Paglilinaw naman ng LTO, hindi pa huhulihin ang mga lalabag sa kautusan, dahil bibigyan ang mga private car owner ng tatlong buwan upang sumunod sa naturang batas habang sinisimulan din ng ahensya ang information dissemination campaign nito.

Hindi rin nagustuhan ng netizens ang mga bagong polisiya kaya may ilang hindi naiwasang kwestyunin ang silbi nito sa mga tao.

Habang si LTO director Clarence Guinto ay binatikos nang husto dahil sa ‘wala sa hulog’ na reaksyon nito sa tanong ng TV host na si Amy Perez na, “kung ang 12 years old sobrang tangkad at siya po ay lalagyan ng booster…aangat at tatama ang ulo sa kotse. Hindi po ba mas delikado ‘yun?

Tinugon naman ito ni Guinto na, “Siguro Ma’am Amy, laki-lakihan mo sasakyan mo”.

Isang netizen ang nagkomento ng : @MedRN1976 Tyang Amy just reminded us of Digong’s (broken) “best and the brightest” promise.

Ayon naman sa isa pa, “@gabrielomycin They can set an age pero dapat in accordance to the growth of the child din naman. Some children at the age of 11-12 would grow as big as a 15 year old.

Tyang amy has a point. Ewan ko lng kay atty.”

Ang layunin umano ng paglalagay ng car seat ay upang hindi tumilapon ang mga bata sa loob ng kotse sa oras ng aksidente.

88

Related posts

Leave a Comment