MANDATORY ROTC ITUTULAK MULI SA KAMARA

rotc

(NI ABBY MENDOZA)

MULING binuhay sa House of Representatives ang panukalang gawing mandatory ang Reserve Officers Training Course(ROTC) sa mga estudyante sa Senior High School sa pribado at pampublikomg paaralan.

Inihain  ni Batangas Rep. Raneo Abu ang House Bill 2087 na sa  oras na maisabatas ay aamyendahan sa Republic Act No. 7077 o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act.

Ayon kay Abu mahalagang maisabatas ang mandatory ROTC para maituro sa mga kabataan ang  kahalagahan na maging disiplinado at makabayan, gayundin ay maisailalim sa training para pagkakaroon ng kakayahang ipagtanggol ang kanilang pamilya at ang bayan.

Nakapaloob sa panukala na sasailalim ang mga estudyante sa basic military training, civic training para maging aktibo sa mga gawaing may kaugnayan sa pangangalaga sa kapaligiran, disaster risk reduction and management at iba pa.

Ang Department of National Defense, Department of Education at TESDA ang bubuo ng ROTC program.

Sa oras na maisabatas ay magiging requirement na sa  graduation ng mga estudyante ang pagsailalim sa ROTC training.

Maaari namang ma-exempt sa ROTC ang mga estudyanteng hindi physically o psychologically fit.

Gayunndin  ang mga dumaan na o patuloy pang sumasalang sa kahalintulad na military training at ang may at valid reasons subalit kailangang i-apply at aprubahan ito ng  Department of National Defense.

 

 

223

Related posts

Leave a Comment