MANILA WATER REBATE ASAHAN SA HUNYO

water12

ASAHAN na ng mga customer ng Manila Water Co. Inc. ang rebate sa susunod na buwan dahil isinasapinal na umano ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga detalye ng implementasyon.

“We are finalizing the computations on how much the rebate would be,” sabi ni Patrick Ty, chief regulator ng MWSS.

Sinabi nito na inaasahan na ang anunsiyo sa ikatlong linggo ng Mayo.

Noong nakaraang linggo ay inianunsyo na ng MWSS ang pagpataw ng P1.13 bilyon na multa sa Manila Water dahil sa agad-agad na pagkawala ng supply ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila na tumagal ng halos dalawang linggo.

123

Related posts

Leave a Comment