(NI BERNARD TAGUINOD)
TALIWAS sa mga nangyayari at nararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan sa ibaba ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan nagpapakita na tumaas pa ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahi dito, kinuwestiyon ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro ang timing ng pagpapalabas sa nasabing survey ng SWS na ginawa noong Disyembre 16-19, 2018 lalo na’t maraming malalaking isyu ang puwedeng pagtakpan ng gobyerno.
“Ako personally hindi ako naniniwala sa ganyang (resulta) survey kasi nakikita natin kabi-kabila, harap at likod, kaliwa’t kanan ang dissatisfaction ng mamamayan natin lalo sa social service at iba pang serbisyo na dapat maibigay sa ating mamamayan pero wala,” ani Castro sa press briefing sa Kamara.
Base sa nasabing survey, tumaas pa ng 16% ang satisfaction rating ni Duterte dahil umabot ito sa 66% mula sa 50% na naitala noong Setyembre 2018 bagay na mahirap umanong paniwalaan ng mambabatas.
“Nakita naman natin yaong totoong nangyayari at nararamdaman ng mamamayan na hindi sila satisfied,” ayon pa kay Castro habang sinabi naman ni Rep. Antonio Tinio na walang taong kontento kahit nahihirapan ang mga ito sa mataas na presyo ng mga bilihi, gasolina, pagpatay umano ng walang due process at ang mga nangyayaring katiwalian umano sa gobyerno.
Dahil dito, naniniwalang militanteng mambabatas na sadyang itinaon ang pagpapalabas sa resulta ng survey upang pagtakpan ang mga mas malalaking isyung kinakaharap ng bansa ngayon.
148