MAYNILAD SASAKLOLO SA MANILA WATER

water1234

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY AJ GOLEZ)

HANDANG sumaklolo ang Maynilad sa nararanasang water shortage, sa Metro Manila at Rizal upang mabawasan ang hirap ng mga konsumer.

Ang Maynilad ang nagsusupply ng tubig sa Kanlurang bahagi ng Metro Manila at sa Cavite.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS, matapos ang ginanap na pagpupulong nila, Martes ng hapon,  ay pumayag ang Maynilad na magpahiram ng mga water pump sa Manila Water na inaasahang lilikha ng 50 million liters kada araw habang meron pang 96% ng tubig sa MM ay mula sa Angat dam na siyang pinagkukunan ng supply ng Maynilad at Manila Water.

Sa panayam kay National Water Resources Board Executive Director, Sevillo David, posible namang i-divert ang alokasyon ng Maynilad mula sa Angat Dam sa Manila Water subalit depende umano ito sa MWSS na silang namamahala sa distribusyon ng tubig sa Angat Dam.

Bukas din umano sila sa pagdaragdag ng alokasyon ng tubig, hangga’t, kaya ng level ng dam na mag-supply at hangga’t nasa maayos pa itong kondisyon, na nagtataglay ng mga pamantayan na magsasabing kaya pa nitong bigyan ng supply ng tubig ang mga konsumer nito.

Dagdag pa ni Sevillo, kahit nais nilang magdagdag ng alokasyon sa MWSS ay nasa kanila umano ang desisyon at  kailangan munang makita ang kapasidad kung kaya ba ng system nito na magdagdag ng tubig na ibibigay sa mga konsumer nito sa buong Maynila.

Maari din umanong tumulong muna ang mga kostumer sa pamamagitan ng pagtitipid ng tubig, habang kinakaharap pa nila ang suliraning ito.

 

 

88

Related posts

Leave a Comment