MAYAYAMAN SA MARAWI ‘DI GAGASTUSAN NG GOBYERNO

marawi19

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi gagastos ang gobyerno para maipatayong muli ang mga gusali ng mayayamang residente sa Marawi City.

Ang pahayag ng Pangulo ay ginawa matapos ang briefing sa San Fernando City, Pampanga kung saan inireport ng housing officials ang tulong sa mga pamilyang nasira ang bahay sa 6.1 magnitude earthquake na yumanig sa Luzon nitong Lunes.

“Marami man ‘yang pera ‘yang mga tao diyan. Every Maranao, there is a businessman. Kasali na ‘yang shabu. May pera sila. The debate there is whether I would be also building the same kind that they lost. I don’t think I am ready for that.”

Idinagdag pa ni Duterte na ang krisis sa Marawi ay man-made calamity.

“It was bound to happen because of what they were doing there,” sabi pa ng Pangulo.

Kasabay nito, pinuri naman ng Pangulo ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ang chairperson na si Eduardo del Rosario para sa housing projects sa Marawi.

Inaasahan ng gobyerno na matatapos ito sa huling bugso ng 2021.

Bilyong piso na ang nagagastos para sa muling pagpapatayo ng nalugmok na Marawi City gayundin sa mga bayan ng Butig at Piagapo sa Lanao de Sur, base sa pagtatala ng gobyerno.

 

92

Related posts

Leave a Comment