MEDIA SA NARCO LIST ‘DI KUMPIRMADO — PNP

(NI JG TUMBADO)

WALA pa umanong natatanggap na kumpirmadong ulat o dokumento ang Philippine National Police (PNP) patungkol sa mga personalidad ng media na nasasangkot sa ilegal na droga.

Nauna nang inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mayroong ilang media personalities ang kabilang sa 12,000 high-value targets (HVT) nito.

Sinabi ni PNP spokesperson Brigadier General Bernard Banac na matatawag pang raw information ang pag-uugnay sa ilang taga-media sa ilegal na droga.

“Wala kaming anumang validated report na natatanggap na may mga ilang matataas na miyembro ng media na sangkot sa iligal na droga,” pahayag ni Banac.

“Subalit nakikipag-ugnayan tayo sa PDEA kung meron silang valuable information. So maliban diyan, ang lahat ay nananatili namang raw information at hindi validated,” dagdag ng heneral.

Nauna na ring sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na may mga impormasyon sila na tinatawag na “need to know basis” na kahit siya ay walang full access sa listahan kundi para lang sa intelligence units.

140

Related posts

Leave a Comment