MGA SINEHAN GAGAMITIN SA MALING PAGGAMIT NG INTERNET

movie22

(NI BETH JULIAN)

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang pamunuan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga nagpapatakbo ng movie houses para magpalabas ng babala sa maling paggamit ng internet.

Bunsod na rin ito ng kontrobersyal na momo challenge na layong utusan ang isang user gaya ng bata na manakit o saktan ang sarili.

Ayon kay DICT Acting Secretary Eliseo Roi Jr., tututok din ang kanilang binuong inter agency task force sa pagpapakalat ng impormasyon, hindi lamang sa momo challenge kungdi sa ibang impormasyon sa internet na makasasakit sa mga bata.

Una nang sinabi ni Rio na nakipag ugnayan na sila sa pamunuan ng Facebook, google at youtube upang pigilan ang pagkalat ng momo challenge.

88

Related posts

Leave a Comment