MM, HANDA NA SA GCQ – MALAKANYANG

HANDA na ang Metro Manila para sa mas lalo pang pagpapaluwag ng restrictions para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque ang posibilidad na isailalim na ang National Capital Region mula sa modified enhanced community quarantine sa general community quarantine sa Hunyo 1.

“NCR is ready from the data that we have seen but that really depends on the cooperation of everyone,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, sinabi ni Dr. Tony Leachon, Special Adviser to the National Task Force COVID-19, na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na mailagay sa ilalim ng GCQ ang Metro Manila at Davao City mula June 1 hanggang 15.

Ang parehong lugar ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa kasalukuyan.

Ang Cebu City, sa kabilang dako, ay nananatili naman sa MECQ.

Sa kabilang dako, kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año ang rekomendasyon ng IATF subalit nilinaw na maaari pa itong mabago lalo pa’t maraning local chief executives ang umaapela sa nilalaman ng rekomendasyon.

“‘Yan ay maaari pang magbago kasi ipinadala natin sa mga LGU ang recommendation natin at mayroon pa silang kaukulang panahon para mag-appeal kung mayroon silang gustong ipabago at idedepensa nila ‘yung kanilang position,” ang pahayag ni Sec. Año.

Sa kabilang dako, hiniling naman ni Sec. Roque sa publiko na hintayin ang magiging anunsyo ni Pangulong Duterte sa nasabing usapin. CHRISTIAN DALE

140

Related posts

Leave a Comment