MWSS, MANILA WATER, MAYNILAD OFFICIALS SINABON NI DU30

duterte angry12

(NI CHRISTIAN DALE)

SINABON ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)at ipinamukha sa mga ito na hindi nila ginawa ang kanilang trabaho at ang pakialam lang ay ang kikitain nila mula sa mga tao.

Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, nagmistulang presidential monologue ang meeting Martes ng gabi sa Malacanang. Umabot umano sa 40-minuto ang pulong kung saan sinita ng Pangulo ang kapalpakan ng  MWSS, Maynilad at Manila Water sa nangyaring water shortage sa maraming lugar sa Metro Manila.

Sa katunayan ay hindi na aniya binigyan ng pagkakataon ng Punong Ehekutibo na makapagsalita ang mga taga MWSS, Maynilad at Manila Water dahil tiyak na magdadahilan at magpapalusot lamang ang mga ito.

“The meeting which was more of a presidential monologue lasting for about forty minutes abruptly ended by the President ordering the officials to submit a report on the water shortage before April 7, after which he will decide whether heads will roll or whether the contracts of the concessionaires will be terminated,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, nagbanta naman ang Pangulo na sisibakin niya ang mga opisyal ng MWSS kapag sumablay ang mga ito sa kanilang paliwanag sa pagkawala ng suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na bayan sa Rizal.

Malinaw aniya ang mensahe ng Chief Executive sa mga opisyal na mag-shape up o ship out kapag hindi naayos ang problema sa suplay ng tubig.

Kaya nga binigyan ng ultimatum ni Pangulong Duterte ang mga nasabing opisyal na magsumite ng report bago mag-Abril 7.

Dito’y pag-aaralan ng Punong Ehekutibo ang report at kapag hindi ito nakuntento ay maaring i-terminate ang kontrata ng mga water concessionaires.

103

Related posts

Leave a Comment