NAPOLES MUNTIK MAPALAYA; BUCOR ISASALANG SA KAMARA 

(NI BERNARD TAGUINOD)

“ANG lala.”

Ganito inilarawan ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkakasama sa pangalan ni Janet Napoles sa dapat makinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, hindi katanggap-tanggap na makinabang si Napoles na nasentensyahang guilty sa kasong plunder, sa nasabing batas.

Nabuko na kasama ang pangalan ni Napoles sa dapat makinabang sa nasabing batas sa gitna ng umiinit na imbestigasyon sa anomalya sa Bureau of Correction (Buco) na nagpalaya ng mga heinous crime convicts tulad ng drug lord, mamamatay tao, rapist at iba pa.

“Habang ginigipit sa piitan ang mga biktima ng gawa-gawang kaso o kaya ay mistaken identity, karamihan ay maralita, ay eto ang ginagawa nila (Bucor),” pahayag ng mambabatas.

Kailangan din umanong imbestigahan ng Kamara ang isyung ito lalo na’t noong nakaraang taon lang nasentensyahan si Napoles ng kasong pandarambong sa kaban ng bayan.

Nabatid na hindi ang kasong plunder ang nakalagay na kasalanan ni Napoles kundi rape na nabibilang din sa “heinous crime”.

Nangangamba ang lady solon kung hindi nabuko ang anomalya sa GCTA matapos palagan ng taumbayan ang pagpapalaya sana kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez ay nakalaya si Napoles na hindi nalalaman ng publiko.

128

Related posts

Leave a Comment