INILABAS na ng mga tagausig ng estado ang kapasyahan nito sa naging papel ng isang negosyante na sinasabing may-ari ng sasakyan na hinihinalang ginamit sa pag-ambush kay dating Pangasinan governor Amado Espino Jr. noong Setyembre 11, 2019.
Sa pangunguna ni Deputy City Prosecutor Mitchel Go ng DOJ panel of prosecutors kasama ang mga miyembro na sina Assistant City Prosecutors Dennis Anthony Fito at Rohail Castro na siyang humatol sa 24-anyos na tubong Baguio na si Jewel Castro na hindi ito maaaring kasuhan sa pananambang kung saan napatay ang dalawang security aides habang malubha namang nasugatan ang dating opisyal.
Nakitaan umano ng mga high powered na baril ang isang Hyundai Elantra na narekober sa San Carlos City at isang Ford Everest naman ang natagpuan sa bayan ng Malasiqui sa Pangasinan, isang araw matapos isagawa ang ambush sa convoy ng dating governor.
Ayon sa itinatag na Regional Special Investigating Task Group Espino (SITG-Espino), natunton nila si Castro dahil sa buy and sell transaction ng Hyundai Elantra car matapos itong ipagbili ng isang Marivic Villanueva na siyang registered owner sa isang Michael Padayao noong Nobyembre 24, 2017 at muling ipinagbili sa isang Pediraldo Ras Luciñera at hanggang sa mapunta ito kay Castro.
Sa resolution na may petsang Enero 3, 2020 na inilabas ng DoJ panel of prosecutors, nakasaad na “Castro could not be implicated either as principal, accomplice or even an accessory because he never had physical possession of the Hyundai Elantra car.”
Ito ang nagpawalang bisa sa alegasyon ni Lucinera tungkol kay Castro na sinabi ng fiscal na hindi malinaw at “peppered with inconsistencies”.
Sa halip ay isinakdal nila sa Lucinera dahil sa obstruction of justice at pagbibigay ng mga gawa-gawang impormasyon na ‘nagliligaw’ sa mga awtoridad sa tunay na salarin sa pag-ambush kay Espino.
Hawak ni Castro ang isang certification mula sa Land Transportation Office’s (LTO) Management Information Division na nagpapatunay na kailanman ay hindi siya nagkaroon ng Hyundai na sasakyan.
Ayon kay Farramilah Mangadang-Gumar, Officer-in-charge ng records section ng LTO sa East Avenue, Quezon City, “upon verification from the LTO-IT database, no record of Hyundai vehicle (was registered) to (Castro’s) name.”
Laking pasalamat ni Castro matapos basahin ang ruling ng prosecution dahil sa aniya’y “erroneous, misleading, irresponsible, and reckless” ang mga report na lumabas na nag-uugnay sa kanya sa kasong ito.
“This is a victory of Justice for me,” ayon sa batang businessman.
Sa kabilang banda ay inirekomenda naman ni Deputy Prosecutor Go at panel of prosecutor na sampahan ng double murder charges at dalawang attempted murder sina Albert Palisoc at Benjie Resultan na positibong nakilala sa CCTV footages na nakita malapit sa lugar ng ambush, John Paul Regalado na siyang may-ari ng puting Ford Everest na ginamit bilang getaway vehicle at apat pang John Doe’s bilang co-conspirator.
Nauna nang nasangkot ang 22 katao sa pagpatay at ikinonsidera rin ng mga pulis na “solved” na ang kaso. DAHLIA S. ANIN
176