NUR KAKATAWAN SA BANGSAMORO SA ISLAMIC SUMMIT

NUR15

(NI TERESA TAVARES)

HUMINGI ng go-signal sa Sandiganbayan si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari upang makadalo sa pan-Islamic council summits bilang observer na kumakatawan sa Bangsamoro.

Nakasaad sa urgent motion to travel na inihain sa  Sandiganbayan Third Division, nais ni Misuari na bumiyahe sa  Abu Dhabi, United Arab Emirates mula March 1 hangang March 2 at sa Rabat, Morocco mula March 13 hanggang March 14.

Magtutungo si Misuari sa Abu Dhabi para dumalo sa Organization of Islamic Cooperation (OIC) habang ang pagtungo sa Rabat ay para sa Parliamentary Union of the OIC-Member States (PUIC).

Inilakip ni Misuati sa kaniyang mosyon ang magkahiwalay na  invitation letters.

Ayon kay Misuari ang MNLF ang tanging kinatawan ng Bangsamoro at mahalaga umano ang kaniyang pagdalo para sa peace process sa Mindanao.

Gayunman tinutulan ng prosekusyon ang kahilingan Misuari dahil nabigo umano ito na mahalaga ang kaniyang pagdalo.

Kuwestyunable rin umano ang pagbiyahe ni Misuari dahil dalawang araw lamang ang mga summit ngunit tatagal siya ng isang buwan sa ibang bansa.

Si Misuari ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong  graft at malversation kaugnay sa P77.26-million na maanomalyang pagbili ng textbooks.

107

Related posts

Leave a Comment