OFW DEPARTMENT UNANG AAPRUBAHAN

cayetano12

(NI BERNARD TAGUINOD)

UUNAHIN umanong pagtitibayin ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para maitayo na ang Depatment of Overseas Filipino Wokers o OFW Deparment.

Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano ukol sa tatlong bagong departamento na nais itatag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon.

Kabilang sa tatlong bagong departamento na nais itayo ng administrasyon ay Department of Disaster Resilience na tutugon sa problema sa kalamidad at Department of Water para naman maresolbahan ang krisis sa tubig.

“Sa OFW Department muna, ito nga ang pangalawang bill na binasa sa kongreso,” ani Cayetano kung saan inakda nilang tatlo ng kanyang asawang Rep. Lani Cayetano at Davao City Rep. Paolo Duterte.

Sinabi ni Cayetano na 2016 pa lang ay pinaplano na umano nilang dalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing department at lalong napatunayan na kailangan talaga aniya ito noong maging Secretary ito ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Napatunayan ko ‘to (na kailangang ang OFW Department) nung nasa DFA ako na kahit anong malasakit ng DFA secretary ng Pangulo sa OFW, kailangan may isang in-charge na nakatutok hindi lang sa welfare and protection,” ani Cayetano.

Isa sa mga layon umano ng panukala na hindi lamang tutulungan ang mga Filipino sa ibang bansa kundi dapat din asistehan ang mga ito sa paghahanap ng oportunidad sa ibayong dagat.

152

Related posts

Leave a Comment