BUBUSISIIN ng Senado ang P20-bilyong CCTV deal sa pagitan ng state-owned Chinese firm at ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ang imbestigasyon ay nalalayong malaman ang mga bagong detalye sa deal na kinasasangkutan ng China International Telecommunications and Construction Corporation. Ang naturang kompanya ay blacklisted umano sa ibang bansa dahil sa ilang paglabag sa seguridad.
Ang deal sa pagitan ng DILG at Chinese firm ay nilagdaan nang magtungo sa bansa si Chinese President Xi Jinping. Ang kasunduan ay naglalayong maglagay na 12,000 CCTV cameras sa buong Metro Manila at Davao City.
Ang mga CCTV cameras na ikakabit ay hindi umano itatago at tanging ang mga tauhan lamang ng PNP at DILG at maaaring magsagawa ng monitoring stations ng CCTV system.
Nanindigan naman ang DILG na mahala ang proyekto sa Pilipinas lalo na’t nahuhuli na ang bansa sa Asya na seguridad.
262