CATRIONA GRAY IS OUR FOURTH MISS UNIVERSE QUEEN!!!

CATRIONA GRAY

Kinoronahang Miss Universe 2018 si Miss Philippines Catriona Gray sa idinaos na finale ng naturang beauty pageant sa IMPACT Arena,shumo-showbiz copy Bangkok, Thailand, Lunes, Disyembre 17.

Idineklarang first runner-up si Miss South Africa Tamaryn Green at second runner-up naman si Miss Venezuela Sthefany Gutierrez.

Best in National Costume si Miss Laos On-anong Homsombath. Ngayong taon, walang deklaradong winner na Miss Photogenic at Miss Congeniality gaya ng kinagawian noong mga nakalipas na taon.

The pageant show was hosted once again by Steve Harvey, together with supermodel Ashley Graham.

Television personality Carson Kressley and runway coach Lu Sierra provided commentary and analysis throughout the event. American singer-songwriter Ne-Yo performed during the competition.

For the first time in its six-decade history, puro babae ang panel of judges para sa 2018 Miss Universe.

Silang pito ay sina:

1) Monique Lhuillier, Filipino-American fashion designer;

2) PorntipNakhirunkanok aka Bui Simon from Thailand, Miss Universe 1988;

3) Janaye Ingram, corporate executive and political grassroots organizer and co-founder of the iconic Women’s March in the United States;

4) Michelle McLean from Namibia, Miss Universe 1992;

5) ImanOubou, Moroccan-American entrepreneur, scientist, and former titleholder bilang Miss New York 2015 and 2nd Runner-up at Miss USA 2015;

6) Lili Gil Valletta, Colombian-American entrepreneur and CEO of CulturIntel and CIEN + TV as well as 2018 Women of Excellence Award recipient; at

7) Richelle Louise Singson-Michael, Pinay architect and CEO of Platinum Skies Aviation.

Just like last year, continental format ang muling pinagamit sa judges para piliin ang unang Top 20 mula sa mahigit 90 kandidata. Lima mula Europe, lima mula North & South America, lima mula Africa & Asia-Pacific at limang wild card. Ang bawat isa sa mga dalagang ‘pasok sa banga’ (Top 20) ay binigyan ng 15 seconds para magbigay ng kanilang opening statement kung bakit nila gustong makuha ang Miss Universe crown.

COUNTRIES WHO ADVANCED TO THE TOP 20

From Africa and Asia-Pacific: South Africa, Philippines, Nepal, Vietnam, Thailand

From Europe: Poland, Belgium, Great Britain, Hungary, Ireland

From the Americas: Curacao, Costa Rica, Canada, Puerto Rico, Jamaica

From the wild card selection: USA, Venezuela, Indonesia, Brazil, Australia

Supposedly in random order, here are the semi-finalists (Top 10), almost-finalists (Top 5), and grand finalists (Top 3) of Miss Universe 2018:

CATRIONA GRAY

TOP 10

Canada

Costa Rica

Curacao

Nepal

Philippines

Puerto Rico

South Africa

Thailand

Venezuela

Vietnam

CATRIONA GRAY

TOP 5

Philippines

Puerto Rico

South Africa

Venezuela

Vietnam

FINAL 3

Philippines

South Africa

Venezuela

STUNNING CATRIONA

Mapa-prelims o finals, stunner talaga sa swimsuit at evening gown competition ang pambato ng Pilipinas. Sa katunayan, several days before the grand coronation night (er, day, kasi morning time ang naganap na pageant show sa Thailand), maraming netizens pati na mga pageant veterans sa loob at labas ng bansa ang nagsabing frontrunner or “the one to beat” si Catriona. Forecasters’ favorite, kumbaga.

Sa ginanap na Miss Universe prelims nitongHuwebes (Disyembre 13), umani ng kaliwa’t-kanang papuri ang tinaguriang “lava walk” at “slo-mo twirl” ni Gray suot ang swimsuit at evening gown.

MAY THE FOURTH BE WITH YOU

CATRIONA GRAY“May the 4th be with you,” halit ng mga well-wishers ni Gray. At yun na nga! Napanalunan ng 24-year-old Bicolana ang korona dahil sa pinagsamang ganda at talino niya. O dahil sa matinding pagsasanay at husay ng kanyang training/coaching team. O dahil mayroon siyang very strong will to win. Pwede ring dahil magaling siyang magsalita at pwedeng-pwedeng spokesperson ng anumang advocacy of her choice. O dahil answered prayer at destiny talaga ang pagkapanalo niya.

Whatever it was that made her win, basta super-saya ang sambayanag Pilipino sa kanyang richly deserved victory at kuntodo celebration sa panibagong “pride of the Philippines” na ito.

For the record, si Catriona Gray ang ika-apat na Pinay na nag-uwi ng koronang Miss Universe, kasunod nina Pia Wurtzbach noong 2015, Margie Moran noong 1973, at Gloria Diaz noong 1969.

TRIVIA PA MORE

67 years old na ang Miss Universe beauty pageant ngayong 2018!

Contestants from 94 countries and territories participated in this year’s pageant, the highest number of participants ever, surpassing the previous record of 92 contestants in 2017.

Since the start of the Miss Universe pageant in 1952, the three winningest countries have been the Unites States with 8, Venezuela with 7, and Puerto Rico with 5.

First time sumali sa Miss Universe ngayong taon ang Armenia, Kyrgyzstan, at Mongolia.

Tatlong beses nang naging host country ng Miss Universe ang Pilipinas. Dito sa ating bansa, idinaos ang pageant sa mga venue na nasasakupan lahat ng Pasay City, Metro Manila: Folk Arts Theater (1974), Philippine International Convention Center o PICC (1994), at Mall of Asia Arena (2016).

FIRST TRANSGENDER CANDIDATE, ETC.

Miss Spain 2018 Ángela Ponce Camacho made history by being the first ever transgender woman to be allowed to join this prestigious pageant.

The first and only Miss Universe to be dethroned was Miss Russia in 2002. Si Oxana Fedorova ang kauna-unahang Russian nananalo para sa kanyang bansa pero hindi nga niya nakumpleto ang one-year reign because “she failed to fulfill her duties,” sabi ng mga organizers, or supposedly pregnant and married

na siya na isang malaking violation sa Miss Universe rules.

Noong 2011, inakusahan naman ng pamemeke ng dokumento si Miss Universe Leila Lopes from Angola. Ang naturang document falsification ay ginawa diumano para mapayagan siyang sumali sa Miss Angola UK local pageant. Nairaos niya ang kanyang one-year reign as Miss Universe dahil hindi napatotohanan ang paratang laban sa kanya.

Bumilang ng 63 years (from 1963 to 2016) ang France bago nagkaroon ng panibagong title holder, samantalang 56 years naman ang hinintayng Colombia (from 1958 to 2014) bago muling nasungkit ang korona. 48 years — yes, literal na 48 years! — ang waiting time ng Japan (from 1959 to 2007) bago muling nanalo sa patimpalak.

7

Related posts

Leave a Comment