P6-B PAMASKO SA MAGSASAKA IPINALALABAS NA SA DOF, DA

kiko23

(NI NOEL ABUEL)

HINIMOK ni Senador Francis Pangilinan sa Departments of Finance (DOF) at Department of Agriculture (DA) ang pagpapalabas ng P6-bilyong cash compensation para sa mga magsasaka ng bigas ngayong Disyembre.

Sa ginanap na  bicameral conference committee meeting, sinabi ng dating Food Security secretary Pangilinan na magandang regalo sa mga magsasaka ang nasabing cash compensation.

“Pamaskuhan naman natin ang ating mga magpapalay na nasalanta ng pagbaha ng murang imported rice. Kailangan na nila ng bayad-pinsala ngayon,” aniya.

Noong nakaraang buwan, naghain si Pangilinan ng panukalang batas na naghahangad na dagdagan ang budget ng 2019 na may P6 bilyon upang agad na magbigay ng walang kondisyon na cash transfer sa mga magsasaka ng palay mula sa mga walang pinansiyal na pondo sa 2019 pambansang badyet.

Sa ilalim ng Senate Bill 1191, ang P6 bilyong supplemental budget mula sa mga unprogram 2019 budget para magamit na tulong sa maliliit na magsasaka dahil sa pagdagsa ng imported na bigas.

“Hindi kasalanan ng ating mga magpapalay ang nangyayaring pagguho ng kanilang kabuhayan. Kailangan isalba natin ang pagpapalay dito sa atin, dahil kung hindi, tayo ring lahat na kumakain ng bigas ang sa huli ay magdudusa at kakapusin sa bigas giit ni Pangilinan.

227

Related posts

Leave a Comment