DAGDAG-ALLOWANCE SA PINOY ATHLETES IGINIIT

bong go55

(NI NOEL ABUEL)

TINIYAK ni Senador Christopher Bong  Go na pag-aaralan nito ang posibilidad na mataasan ang  tinatanggap na allowance ng mga atletang  Pilipino.

Sinabi ito ng senador kasabay ng pagsasabing inuna lamang nitong ihain ang pagkakaroon ng  Philippine High School for Sports.

Layon umano nito na magkaroon ng sariling high school  para sa mga atletang may potensyal at gustong mag-aral kasabay ng kanilang training sa sports.

Ipinaliwanag ni Go na hindi na kailangang lumayo ang mga kabataan sa eskuwela habang nagsasanay sa kanilang  sports at hindi na mapapabayaan ang pag-aaral.

Inihayag ni Go na ilalagay sa  loob ng New Clark City ang  Philippine High School for Sports  kung saan inaasahang maisakatuparan ito sa 2021.

Tiwala itong matutupad ang nais nito dahil sa pumayag na aniya ang BCDA, DepEd at  PSC.

 

127

Related posts

Leave a Comment