P72.5-B BUDGET SA COVID VACCINE SAPAT NA

KUMBINSIDO  ang Malakanyang na sapat na ang 72.5 billion pesos na inilalaan ng gobyerno para ipambili ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ito ay nakalaan para sa 60 milyong Pilipino na isasaprayoridad na maibigay sa mahihirap.

Aniya, kakayanin na ng mahigit sa P72 bilyong budget na inilaan ng Kongreso para maitawid ang pagbili ng bakuna.

Batay sa bersiyon ng Senado, nasa 83 billion pesos ang isinulong nitong halaga para sa pag-angkat ng covid vaccine.

At kung sakali namang kulangin ay mayroon namang mapagkukunan galing sa uutangin mula sa mga multilateral lending agency kagaya ng ADB at World Bank at sa mismong mga bansa na gumagawa ng bakuna.

Kaugnay nito, ang Sinovac ang maaari umanong unang gamitin sa pagbabakuna ng Pilipinas na posibleng maisakatuparan sa 1st quarter ng 2021. (CHRISTIAN DALE)

93

Related posts

Leave a Comment