PAG-IMPRENTA NG BALOTA MATATAPOS NANG MAAGA — COMELEC

comelec12

(NI HARVEY PEREEZ)

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec)  na 15 araw na mas maaga matatapos ang pag -imprenta ng mga balota nakatakdang gamitin para sa mid term elections sa Mayo 13.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, tapos na umano ang pag imprenta ng mga balota sa  Abril 10, mas maaga sa target na Abril 25.

Sinabi ni Jimenez na mabilis ang pagiimprenta ng mga balota kaya umabot na sa  mahigit 30 porsiyento ang natapos nila.

Nalaman na mahigit sa isang milyon ang araw-araw na naiiprenta ng mga printing machines na kanilang ginagamit.

Bukod dito,  madaragdagan pa ng isa ang printing machine ang kanilang ginagamit  kaya asahan na mas marami pang balota ang maiiprenta sa loob ng isang araw.

Sa kabila nito, inamin ni Jimenez  na sa ngayon ay mayroong mga pagkakataon na maaaring maantala ang paglilimbag ng balota kagaya na lamang ng miscutting o machine breakdown pero sa kasalukuyan ay hindi pa ito nararanasan.

139

Related posts

Leave a Comment