PAGTUGIS KAY ACIERTO IKINASA NA NG PNP

aciero12

(Ni FRANCIS SORIANO)

ISANG tracker team ang binuo ng Philippine National Police (PNP) upang umaresto sa dating hepe ng Anti-Narcotics na si Police Colonel Eduardo Acierto matapos ilabas ang warrant of arrest ng Manila court  kaugnay sa nasabat na multi-billion peso halaga ng droga sa dalawang magnetic lifters na natagpuan sa isang warehouse sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, kasalukuyan na ang kanilang manhunt operations laban sa dating opisyal ng PNP.

“ We believe that he is still here, We are now monitoring all the places where he would go, we have tracker teams created by the CIDG (Criminal Investigation and Detection Group),” ani Albayalde.

Matatandaang nagpahayag si Acierto laban sa dating economic adviser ng Pangulo na si Michael Yang  kung saan inakusahan niya itong  isang umano’y ‘big-time’ na may operasyon sa bansa kaugnay sa droga.

Si Acierto ay nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Class 1989, at itoy sinibak sa serbisyo noong Agosto ng nakalipas na taon matapos umanong masangkot sa 1,000 pirasong AK-47 na para sa PNP ngunit ibinebenta umano nito sa mga rebeldeng grupo na nakabase sa Mindanao.

158

Related posts

Leave a Comment