PALASYO TIWALA SA TULONG NG OPOSISYON

malacanang

(NI LILIBETH JULIAN)

KUMPIYANSA ang Malacanang na makikipagtulungan sa kasalukuyang administrasyon ang mga mananalong kandidato na hindi kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing Miyerkoles ng hapon, sinabi ni Presidential Spokesperon Atty. Salvador Panelo, naniniwala sila na ang magiging pangunahing papel ng mga mananalong kandidato mula sa oposisyon ngayong 2019 elections ay tulungan ang administrasyon at hindi ang sirain.

Sinabi ni Panelo na nagtitiwala ang mga botante sa kooperasyon ng mga senador kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo pa’t malaki ang tiwala ng taumbayan sa pamamahala ng Pangulo.

Nilinaw din ni Panelo na walang nakikitang magiging problema ang pamahalaan kung hindi man kaalyado ng administrasyon o mula sa oposisyon ang mga bagong uupong senador dahil ang pinakamabuti rito ay ang pagkapanalo ng boses ng mamamayan na silang magluluklok sa mga mananalong kandidato.

Sinabi ni Panelo na makatitiyak lamang na malaman ang siguradong mananalo marahil isang linggo bago ang takdang petsa ng botohan sa May 13.

Una nang inendorso ng Pangulo sina Governor Imee Marcos, dating SAP Bong Go, dating PNP chief Ronald Dela Rosa, dating Political Adviser Francis Tolentino, dating Senator Jinggoy Estrada, Senator Cynthia Villar, JV Ejercito, Rep. Pia Cayetano, Sonny Angara, Freddie Aguilar at Rep. Dong Mangudadatu.

184

Related posts

Leave a Comment