PANG-AABUSO NG MGA PARI TINUTUTUKAN NG CBCP

pari22

(NI HARVEY PEREZ)

TINUTUTUKAN na ng pamunuan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang usaping may kinalaman  sa pang-aabuso na kinasangkutan ng mga lingkod ng Simbahan.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ito ay matapos ang ginanap na pagtitipon ng mga Obispo sa Vatican kasama ang Kaniyang Kabanalan Francisco kung saan tinalakay ang mga pang-aabuso ng mga pari.

Ayon kay Father Secillano,   ang problema ng pang-aabuso ng mga pastol ng Simbahan ay pinapatawan ng kaukulang parusa ang mapatutunayang nagkasala.

“Yes, they are being addressed. Priests are investigated and some are sent to a facility for reformation, while others are either suspended or defrocked (laicizised),” ayon kay Fr. Secillano .

Sa katatapos na Summit on Sexual Abuse sa Vatican noong nakalipas na linggo na pinamagatang “The Protection of Minors in the Church” inamin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na isa sa mga tagapagsalita sa pagtitipon na nagdulot ng malalim na sugat sa puso ang tila pagbalewala ng Simbahan sa paghihirap ng mga biktima ng pang-aabuso.

Gayunman, nilinaw ni Fr. Secillano na hindi lamang Pilipinas ang tinukoy ni Cardinal Tagle kundi ang buong Simbahan Katolika sa mundo.

Inihayag ni Cardinal Tagle na hindi laganap ang pangmomolestiya ng mga menor de edad sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.

 

153

Related posts

Leave a Comment