PENSYON SA MGA MAGSASAKA ISUSULONG SA KONGRESO

old farmer12

(NI BERNARD TAGUINOD)

PANAHON na para magkaroon ng pensyon ang mga manggagawa sa agricultural sector sa bansa upang hindi abandonahin nang tuluyan ng mga susunod na henerasyon ang pagsasaka.

Gayunman, mangyayari lamang ito kapag naipasa na ang panukalang “Pension Trust Fund Act” na nakabimbin ngayon sa House committee on agricultue and food na iniakda ni House Deputy Speaker Sharon Garin.

“Our farmers remain the poorest of the poor among the country’s labor force and it is only right that the government extend all manner of support towards them,” ani Garin.

Dahil dito, kailangang magtatag umano ng Agricultural Pension Fund na pangangasiwaan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sakaling maging batas ang nasabing panukala.

Ayon kay Garin, kung mayroon umanong grupo sa sektor ng paggawa na dehadong-dehado kapag tumanda, ito ay ang mga matatanda nang magsasaka dahil wala silang natatanggap na pensyon sa pagtanda.

Ito ay sa kabila aniya ng P13 bilyon o katumbas ng 9% na kontribusyon ng mga ito sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa at  umaabot ang bilang ng mga ito sa 11.29 million o 26.1% sa work forces sa bansa.

“We simply want to turn things around. The lack of long-term benefits, in addition to the low income and intensive work, is one of the reasons why people are entering and working in the agricultural sector,” ani Garin.

Naniniwala ang mambabatas na kapag naisabatas ang panukalang ito ay hindi aabandonahin ng mga susunod ng henerasyon ang sektor ng agrikultura kung saan sumasandal ang Pilipinas bilang agricultural country.

 

430

Related posts

Leave a Comment