PILIPINAS BIGO SA KAMPANYA KONTRA KORAPSYON

ITO ang inihayag ng Transparency International, isang Berlin, Germany corruption watchdog matapos lumabas sa kanilang pag-aaral na bumaba pa ng dalawang antas ang Pilipinas sa kanilang global corruption index na umano’y nangangahulugan na “stagnated”o walang pagbabago sa likod ng ginagawang kampanya ng pamahalaan na labanan ang korapsyon.

Ang Pilipinas ay nasa 115th puwesto mula sa 180 bansa na sumailalim sa pag-aaral kung saan nakakuha ito ng markang 34 out of 100 points, base sa 2020 Corruption Perception Index na inilabas nitong nakalipas na linggo.

“The Philippines, with a score of 34, is 11 points below the regional CPI average, and anti-corruption efforts appear to have stagnated since 2015,” ayon sa Transparency International sa kanilang ulat.

Taong 2019 ay nasa 113th spot ang Pilipinas, sinasabing napanatili ng bansa ang marka nito mula sa 2019 survey, na siyang pinakamababa simula nang isama ang bansa sa CPI rankings nuong 2012.
“At the same time, the government’s response to COVID-19 is amongst the worst in terms of compliance with human rights and democratic norms.”

Subalit sa Asia Pacific region, sinasabing ang Pilipinas ay may mataas na ranking kumpara sa Cambodia, na amy score na 21, Afghanistan 19, at North Korea na may score na 18 points lamang.

Subalit lubhang malayo kung ikukumpara sa nangungunang New Zealand, na may 88 points, Singapore, na siyang pangatlo na may 85 points at Australia, na nasa panglabing isa na may 77 puntos.

Ang New Zealand, Denmark, Finland, Switzerland, Singapore at Sweden ang itinuturing na top 6 least corrupt countries sa buong mundo. (JESSE KABEL)

79

Related posts

Leave a Comment