PINOY SA JAPAN INALERTO VS HAGIBIS

(NI ROSE PULGAR)

INALERTO ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga Pinoy sa Japan hinggil sa pagtama ng Super Typhoon Hagibis ngayong weekend.

Kahapon ay nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo sa mga Pinoy doon na dobleng pag-iingat dahil sa posibleng malakas na pag-ulan, hangin at malakas na alon dahil sa bagyo at pinagbabawalan munang bumiyahe ang mga ito.

Ayon sa DFA, base sa ulat ng Japan Meteorological Agency (JMA), ang Super Typhoon Hagibis ay itinuturing na “violent typhoon”, na pinakamataas kategorya sa Japan typhoon scale.

Kung kaya’t inianunsiyo ng Japan Airlines at All Nippon Airways (ANA)  ang suspension sa kanilang mga domestic  flight,  na sinimulan kahapon (Oktubre 11).

Suspendido rin ang operasyon ng kanilang train at pinayuhan ang mga biyahero, na laging mag-check ng mga impormasyong may kaugnayan sa biyahe ng mga  airlines, train companies at iba pang  public transportation companies.

Nag-anunsiyo ng general public advise ang Japanese government at JMA, na maging alerto  at laging mag-monitor sa mga balita.

Sinabi pa ng embahada ng Pilipinas, ang mga Pinoy na nangangailangan ng ayuda ay maaaring kumontak sa kaninalang hotline,  +81 80 4928 7979/ +81 80 7000 7979.

 

434

Related posts

Leave a Comment