PINOY SA LIBYA SAPILITANG IUUWI

libya120

(NI DAVE MEDINA)

KASADO na ang sapilitang pagpapauwi sa bansa ng mga Filipino na nasa Libya na napipintong maipit nang lumalawak na military at civil unrest sa naturang bansa. Nauna rito ay itinaas na ng  Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa  Alert Level 4  dahil sa paglala pa ng kaguluhan sa Libya.

Tiniyak  ng gobyerno  ng Pilipinas  ang kahandaang magpatupad ng mandatory repatriation simula sa Martes Santo sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya.

Samantala, sinabi naman ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na nakatakda na rin ang pagpapadala ng augmentation team sa Libya sa darating na Abril 16 bilang pre-emptive action.

Nilinaw naman ng dalawang ahensya ng gobyerno, — DFA at DOLE  — na sasagutin ng gobyerno ang lahat ng gastusin sa pagpapauwi ng mga kababayang nasa Libya kabilang dito ang mga undocumented Filipino workers.

Nilinaw rin ng DFA na libre ang repatriation o pagpapabalik sa bansa ng mga Filipino sa Libya at walang pinipiling kwalipikasyon ang kanilang katuwang na ahensya ng gobyerno na DOLE.

Dahil umano sa maselang  sitwasyon, maging ang mga undocumented at nakapasok nang  iligal sa Libya ay tutulungan at ililibre ng gobyerno dahil ang mahalaga ay mailigtas at mailayo sa kapahamakan  ang kapwa Filipino.

Bago ang compulsory repatriation ay epektibong ipinatutupad na ng gobyerno ang total deployment ban o bawal nang magpadala ng OFWs sa Libya,  maging bagong aplikante o  mga nagbabalik na manggagawa na may live contract.

98

Related posts

Leave a Comment