Retirement benefits kapag ‘di ibinalik CIVIL CASE PA VS ROAD RAGE EX-COP

POSIBLENG sampahan pa ng civil case si road rage ex-cop Wilfredo Gonzales, oras na hindi nito isoli ang nakuha niyang retirement benefits matapos ipag-utos ng Philippine National Police na bawiin ang nakuhang benepisyo ng retiradong pulis.

Kahapon inihayag ng PNP na ipinababawi na ang tinanggap na retirement benefits ni Gonzales.

Ayon kay P/BGen. Niño David Rabaya, director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service, dapat ibalik ni Gonzales ang mahigit P500,000 na tinanggap nitong benepisyo mula 2016 hanggang 2018.

Nabatid na simula nang ma-dismiss si Gonzales sa serbisyo noong 2018 dahil sa patong-patong na kaso, ay hindi na ito tumatanggap ng benepisyo. Ngunit 2016 pa aniya ito nagretiro matapos maabot ang mandatory retirement age na 56 years old.

Ayon kay PNP Spokesperson, Colonel Jean Fajardo, marapat lamang na ibalik ni Wilfredo Gonzales ang kanyang tinanggap na benepisyo mula sa PNP mula 2016 hanggang 2018.

(JESSE KABEL)

193

Related posts

Leave a Comment