RIGODON SA PNP IPATUTUPAD

pnp12

(NI AMIHAN SABILLO)

PANIBAGONG rigodon ang mararanasan ng mga matataas na opisyal ng PNP sa katapusan ng buwan.

Ito ang inihayag ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa kung saan ang mga pangunahing maapektuhan sa rigodon ay mga regional directors at mga hepe ng national support units ng PNP.

Ayon kay Gamboa, magiging batayan ng pananatili sa puwesto ng mga kasalukuyang nakaupo sa mga nabanggit na posisyon ay ang kanilang performance rating.

Sinabi pa nito na sa January 20 gagawin ang susunod na performance review, at mayroong isang linggo ang mga opisyal na i-apela ang kanilang rating bago ito maging pinal.

Ang mga opisyal na hindi umano maganda ang performance ay papalitan ng mga bagong opisyal upang mabigyan ang mga bagong iuupo ng pagkakataon na mapatunayan ang kanilang husay.

Iginiit ni Gamboa na nasa kanyang kapangyarihan bilang OIC na magtalaga ng mga bagong opisyal, at ang lahat ng kanyang mga ipupuwesto ay dadaan sa approval ng Napolcom at ni DILG Sec. Eduardo Año.

 

224

Related posts

Leave a Comment