RONNIE RICKETTS PINAYAGAN NG SANDIGAN MAG-JAPAN

ricke

(NI JEDI PIA REYES)

INAPRUBAHAN ng Sandiganbayan 4th Division ang hirit ni dating Optical Media Board chairRonaldo “Ronnie” Ricketts na magtungo ng Japan sa susunod na buwan.

Nauna nang naghain ng mosyon ang kampo ni Ricketts na makapag-bakasyon mula Marso 1 hanggang 9 kasama ang kanyang pamilya.

Ayon kay Ricketts, noong Disyembre ng nakaraang taon pa binalak ang bakasyon para matiyak na makakasama nito ang kanyang mga anak. Inaasahang tutuloy ang pamilya ni Ricketts sa Shinjuku Granbell Hotel.

Sa orihinal na mosyon ni Ricketts, hanggang Marso 8 lamang ang bakasyon nito pero pinalawig pa ng isang araw.

Nahaharap ang dating aktor sa kasong graft kaugnay sa umano’y maanomalyang pagpapalabas ng mga DVD at VCD na nakumpiska sa isang raid noong taong 2010.

Kinakailangan lamang na magbayad ng travel bond si Ricketts at ipiprisinta nito sa anti-graft court ang itinerary at wala itong ibang pupuntahan na hindi kasama sa naunang inilatag sa kanyang mosyon.

16

Related posts

Leave a Comment