(NI BERNARD TAGUINOD)
IGINIIT ng isang mambabatas sa Kamara sa Department of Enery (DoE) na pagpaliwanagin ang mga may Independent Power Producers (IPPs) na nag-shutdown ngayong linggo kaya nanganib ang supply ng kuryente.
Ayon kay House energy committee vice chairman Carlos Roman L. Uybarreta, kailangang malaman ng gobyerno, lalo na ang mga consumers kung ano ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng ‘forced shutdown” ang ilang power plant.
“Energy officials kept assuring the power supply was enough, but now we have sudden plant shutdowns. They cannot fault us for being skeptical because several plants going offline on the same day does not smell right,” anang mambabatas kaya dapat pagpaliwanagin ang mga may-ari ng mga IPPs na ito.
Noong Miyerkues ay nagkaroon ng rotating brownout aniya sa Metro Manila at mga karatig probinsya dahil hindi na sapat ang reserbang kuryente matapos magkaroon umano ng forced shutdown ang ilang IPPs.
BAWASAN ANG KONSUMO SA MGA OPISINA
Maliban dito, nanawagan din ang mambabatas sa mga malalaking kompanya na malakas na komunsumo ng kuryente na magbawas ng aircon upang maiwasan ang brownout.
Maging sa mga government offices ay kailangang magtipid din ng kuryente upang makatulong ang mga ito na hindi mangyari ang pinangangambahan ng marami na malawakang brownout.
“These are two quick doable solutions. If Malacanang will endorse these to the public, there can be immediate impact and would help prevent brownouts. Just the simple act of ordering government offices to switch off some lights during the day can have significant effect,” ayon pa sa nasabing mambabatas.
136