SAHOD NG MGA KASAMBAHAY PINATATAAS

(NI BERNARD TAGUINOD)

ISINUSULONG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na itaas na ang sahod ng mga kasambahay dahil hindi na umano sapat ang kanilang tinatanggap na suweldo na itinadhana ng batas.

Sa House Bill (HB) 4760 na inakda ni Manila Rep. John Marvin Nieto, kailangan na aniyang bigyan ng umento ang mga Kasambahay upang matulungan ang mga ito at ng kanilang pamilya.

Noong 2013 ay ipinatupad ang Republic Act (RA) 10631 ‘Domestic Workers Act’ bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga kasambahay  sa lipunan dahil kung wala ang mga ito ay maraming pamilya ang mapipilay.

Dahil dito, itinakda ng nasabing batas na lahat ng mga kasambahay na nagtatrabaho sa National Capital Region (NCR) ay kailangang pasahurin ng P2,500 kada buwan habang ang mga nasa Charterd Cities ay P2,000 at P1,500 naman sa mga munisipalidad.

“Unfortunately, three years after its enactment, review and adjustments to the minimum wage of household helpers remains unattended by the Regional Tripartriate and Productivity Wage Boards (RTPWB),” ani Nieto.

Sinabi ni Nieto na kailangan nang itaas ang sahod ng mga kasambahay lalo na’t pataas ng pataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa at iba pang serbisyo publiko.

Kung maaaprubahan, magiging P3,000 na ang minimum wage sa mga kasambahay sa NCT, P2,500 sa mga Chartered Cities at maging sa  mga munisipalidad.

Bukod ito sa iba pang benepisyo ng mga kasambahay tulad ng Social Security System (SSS), Philhealth at iba.

Naniniwala ang mambabatas na kapag tumaas ang sahod ng mga kasambahay ay lalong sisipagin ang mga ito sa pagtatrabaho.

 

332

Related posts

Leave a Comment