SAMAHAN NAALARMA NA SA PAGPASLANG SA MGA ABOGADO

lawyers12

(NI FRANCIS SORIANO)

NAALARMA at nababahala na ngayon ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) dahil sa lumolobong bilang sa  pag-atake at pagpaslang sa mga hanay sa legal profession na umabot na umano sa 38 na indibidwal. Ayon kay Atty. Ephraim Cortez, secretary-general ng NUPL, sinabi nito na “alarming” na ang nangyayaring pagpaslang sa mga miyembro ng legal profession at kung magpapatuloy ang ganitong sistema sa bansa ay mawawalan umano ng tatakbuhang abogado ang mga kliyente.

Dahil dito, hinimok ni Cortez ang mga kinauukulan na maglaan ng sapat na hakbangin para matugunan at matiyak ang safety ng Filipino lawyers upang sa ganon ay tuluyan na umanong maiwasan ang anumang pag-atake.

Dagdag pa nito na umabot na sa 38 ang bilang ng mga napatay na abogado sa bansa simula noong 2016 hanggang sa ika-limang buwan ng taong-taong kasalukuyan.

Bunsod nito, kinukondina naman ng NUPL ang serye ng pamamaslang at agarang pagresolba ng kaso upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Samantala,  matatandaan na ang huling biktima ay sina Atty. Bal Crisostomo ng Manaoag, Pangasinan na malapitang pinagbabaril ng gunman sa tapat mismo ng Regional Trial Court sa Barangay Bonuan Gueset, Biyernes ng umaga.

Si Atty. Edilberto Golla Jr., naman ay tinambangan at in-ambush sa Eastwood Greenview Subdivision Phase 2, ng Barangay San Isidro dakong alas 9:00 ng umaga noong Biyernes sakay ng kanyang sasakyan at paalis na para sa isang meeting nito.

Una rito, magkasunod na pinatay ang isang abogado sa Dagupan City matapos na dumalo sa hearing habang isa ring lawyer ang nasawi sa ambush sa Rodriguez, Rizal nitong nakalipas na Biyerne

 

96

Related posts

Leave a Comment