SARI-SARI STORE OWNERS MAY AYUDA RIN

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng cash assistance para sa mga sari-sari store owner na apektado ng price ceiling sa bigas.

Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ng DSWD na mamamahagi ito ng cash assistance mula Setyembre 25 hanggang 29.

Nakipag-ugnayan na ang DSWD sa Department of Trade and Industry (DTI) para tukuyin ang mga benepisyaryo.

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang DSWD na magbigay ng cash assistance sa maliliit na rice retailers na apektado ng mandatong price ceiling sa regular at well-milled rice.

Nauna rito, inaprubahan ng Pangulo ang pagpapatupad ng mandatong P41 price ceiling sa regular milled at P45 sa well-milled rice sa pamamagitan ng Executive Order No. 39.

Samantala, base sa pinakabagong report ng DSWD, nagpalabas na ito ng P92.415 million financial assistance sa 6,161 mula sa 8,390-target micro at small rice retailers na apektado ng implementasyon ng EO 39.

(CHRISTIAN DALE)

371

Related posts

Leave a Comment