SIM REGISTRATION POSIBLENG MAISABATAS NGAYONG 2022

NANINIWALA si Senador Grace Poe na maisasabatas ang panukalang pagpaparehistro ng subscriber identity modules (SIM) sa loob ng taong kasalukuyan.

Inihayag ito ni Poe, chairman ng Senate Committee on public services, matapos makalusot ang panukalang kanyang inisponsor at inawtor sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.

“It has already hurdled both Houses. This is the first bill that was passed jointly in the 19th Congress and we are quite proud of that. Again, it was unanimously passed in the Senate and with big support. I think and I am hoping that the President will sign it and it will become a law hopefully within a month or two,” ayon kay Poe sa interview.

Naunang vineto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang SIM Registration Act dahil nabahala sa ilang probisyon sa social media.

Sinabi ni Poe na malaking tulo ang SIM registration sa pagsugpo ng kriminalidad at magsisilbing hadlang sa online scammer.

Noong, may nagtangkang mag-scam kay Senate President (Juan Miguel Zubiri), nakilala kaagad ang salarin at natagpuan matapos ibigay ang numero ng cellphone sa alagad ng batas, paliwanag ni Poe.

“It’s really more about tracing. Now, we will find out who registered that number. Even if a fictitious identity was used, at least there is a lead,” giit ni Poe.

Sa ilalim ng kasalukuyang panukala, magsisilbing repository ng impormasyon ang mag telcos o ang Public Telecommunications Entities (PTEs) na nairehistro at kailangan iparehistro din ito ng kanilang data officer sa National Privacy Commission.

Ayon kay Poe, makatutulong ito upang matiyak na hindi lamang kung sinu-sino ang makakakita ng sensitibong personal na impormasyon na magiging banta sa data kung maibigay ito o maibenta.

Ipinaliwanag pa ni Poe na nakapagbigay na ng impormasyon ang mamamayan sa gobyerno para sa national ID system kabilang ang ibang ahensya ng gobyerno at katulad na impormasyon sa pribadong kompanya kapag nag-aplay sila ng credit cards o utang.

Aniya, mas nagaganyak ang mga pribadong telcos na ma-secure ang personal information ng kanilang subscriber.

“I think the private companies have more to lose if their system is compromised because they lose the trust of their subscribers. They will also be liable under the law for being negligent,” ani Poe.

Sa ilalim ng panukala, pagmumultahin ang telcos ng P500,000 hanggang P4 milyon sa anumang paglabag sa confidentiality sanhi ng kapabayaan.

Ibinasura naman ni Poe ang ideya na magiging hadlang ang SIM registration sa mga whistleblower na magsalita dahil may iba pang pamamaraan sa pagpapadala ng impormasyon nang hindi gumagamit ng text messages.

Idinagdag pa ni Poe na para sa ibang tao na gustong ibulgar ang mga mali , maaari silang magpadala ng email o lumang estilo ng sulat na pwedeng ipasa-pasa. Pero, sinabi ni Poe na maaari din naman itong ipadala sa pamamagitan ng media o mamamahayag o direkta sa law enforcement agencies.

“There is a cost to it. We want to keep our society safe. It may inconvenience others from transmitting information confidentially but there are other ways by which they can do it. We really have to be one step ahead because, remember, bombs are detonated using cellphones,” ani Poe. (ESTONG REYES)

188

Related posts

Leave a Comment