(NI NOEL ABUEL)
HINAMON ng isang mambabatas si Leni Robredo na tanggapin ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar.
“Hinahamon ko si Vice President Leni Robredo. Tanggapin niyo po. Subukan niyo po. Malay mo kayanin mo ng 6 months. Tingnan natin, ngayon makikita mo ang trabaho ng isang Presidente,” ayon kay Senador Christopher Lawrence Go.
Giit nito, wala itong nakikitang problema kung seseryosohin ni Robredo ang pagiging pinuno ng drug war lalo na at may nakikita itong ibang paraan para masolusyunan ang problema sa droga sa bansa.
Nanindigan si Go na seryoso si Pangulong Duterte sa paglaban hindi lang sa illegal drugs kung hindi sa iba pang uri ng kriminalidad at korapsyon.
“Basta kami ni Pangulong Duterte, tuloy ang kampanya namin laban sa illegal na droga, korupsyon at kriminalidad. Kami hanggang sa dulo, hanggang sa huling araw ng aming termino, gagawin namin lahat para sa kabutihan ng mga Pilipino,” sabi pa nito.
149