(NI NOEL ABUEL)
NANINDIGAN si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na isaisantabi ng mga rebeldeng grupo ang kanilang hitlist kung gusto ng mga ito na matuloy ang alok na peace talks ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa senador, kung nais ng rebeldeng grupo ang peace talks, huwag nilang gagalawin ang Pangulo na tanging taong sinsero na makasama sila sa negotiable table.
Paliwanag pa ni Go, kahit noong mayor pa lamang si Pangulong Duterte ay sinsero na ito sa pakikipag-usap sa mga rebeldeng grupo.
Ipinaalala rin nito na mahigit sa 50 beses na silang umakyat ni Duterte sa kampo ng mga rebelde upang magsundo ng mga pinakakawalang bihag na sundalo.
Iginiit ni Go na patunay ito na nagtiwala sila ng Pangulo sa grupo dahil ginagawa nila ang pagtungo sa mga kampo ng rebelde nang walang bodyguard at armas.
Dagdag ni Go na sana ay huwag sayangin ng grupo ang tiwala ni Pangulong Duterte sa kanila.
191