TAAS-PASAHE SA LRT INAWAT NI PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban ang pagtaas ng pamasahe sa rail lines LRT-1 at LRT-2 “pending a thorough study on the economic impact” sa mga mananakay.

Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa press briefing sa Malakanyang na susunod ang DOTr sa utos ng Pangulo at masusing pag-aaralan ang economic repercussions ng pagtaas ng pamasahe sa mga pasahero sa tatlong major rail lines.

“In compliance with the President’s instruction, we will thoroughly study how a fare hike today will impact on passengers of our three rail lines in Metro Manila,” ani Bautista sabay sabing ang dagdag-pasahe para sa MRT-3 ay ipinagpaliban din dahil sa “infirmities in complying with the requirements and procedure.”

Tinuran pa ng Kalihim na inendorso ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng DOTr ang report na pumapabor sa fare increase para sa LRT lines 1 at 2.

Ang RRU aniya ay mayroong kapangyarihan na tanggihan o aprubahan ang panukalang fare adjustments.

Matatandaan na 2015 ang huling inaprubahang fare hike para sa rail lines LRT-2 at MRT-3.

Sa kabilang dako, ang LRT-1, na isinapribado noong 2015, naghain ng petisyon para sa fare adjustments noong 2016, 2018, 2020, at 2022, ang lahat ng ito ayon kay Bautista ay ipinagpaliban.

“The Light Rail Manila Corporation, which operates LRT-1, is allowed to apply for fare adjustments “of at least 10.25% every two years after the effectivity of the contract,” aniya. (CHRISTIAN DALE)

294

Related posts

Leave a Comment