TASK FORCE VOTE BUYING NAKAALERTO

comelec pnp12

(NI FRANCIS SORIANO)

TATLONG araw bago ang nakatakdang halalan sa Lunes ay siniguro ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na pagbabantay sa mga magtatangkang bumili ng mga boto at nagbanta na sa kulungan ang bagsak ng mga ito sa sandaling sila ay mahuli.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Bernard Banac,  umarangkada na ang Task Force Vote Buying na pinangungunahan ng Comelec na ipinakalat na sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dagdag pa nito na huwag nang tangkain pa ang pamimili ng boto dahil hindi nagbibiro ang batas para sa sinumang lalabag sa Omnibus Election Code.

Samantala,  inaresto at kinasuhan na ang 10 katao sa lalawigan Cavite at dalawa naman sa lungsod Quezon dahil sa pamimili ng boto.

75

Related posts

Leave a Comment