(NI HARVEY PEREZ)
TINUTULAN ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal (CBCP) ang balak ng Bureau of Corrections (BuCor) na suspendihin ang visiting privileges ng mga bilanggo, para masolusyunan ang problema sa smuggling ng ilegal na droga sa loob ng mga piitan sa bansa.
Sinabi ni Bro. Rudy Diamante, executive secretary ng CBC- Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care (ECPPC), hindi solusyon ang pagsuspinde sa visiting pivelege sa problema ng iligal na droga sa loob ng Bilibid.
Sa halip dapat na bigyan ng konsiderasyon ng BuCor ang kapamilya ng mga bilanggo na dumadalaw sa mga bilangguan na nagmula pa sa mga malalayong lugar.
Importante umano ay gamitin ni BuCor Director Nicanor Faeldon para malaman kung paano nakakapasok ang mga kontrabando.
Iginiit pa ni Diamante na mahalaga ang dalaw para sa mga bilanggo dahil malaking tulong ito sa kanilang pagbabago at pagbabalik-loob.
Naniniwala si Diamante na hindi matutukoy sa naturang pamamaraan ang tunay na dahilan o pinagmumulan ng mga kontrabandong nakakapasok sa mga bilangguan.
Una nang ipinag-utos ni Faeldon na suspendihin ang visiting privileges at recreational activities ng mga bilanggo sa pitong penal colonies sa buong bansa,.
Gayunman,nilinaw naman ng Department of Justice (DOJ) na pansamantala lamang ang hakbang at layuning nitong bigyan ng panahon ang BuCor na makapagsagawa ng naaangkop na solusyon sa problema.
Nalaman na nasa mahigit sa 45,000 ang bilang ng mga bilanggo sa pitong penal colonies sa bansa kung saan kinansela ang visiting privileges at recreational activities na kinabibilangan ng New Bilibid Prison, Correctional Institution for Women, Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at Leyte Regional Prison.
148