UMENTO SA GOV’T EMPLOYEES IKAKASA

gov't workers12

(NI NOEL ABUEL)

“DAGDAGAN  natin ang suweldo ng mga ordinaryong kawani ng gobyerno, kasama na diyan ang mga guro at nurses. Dapat holistic ang approach natin upang lahat ng mga kawani sa gobyerno ay makapaglingkod ng maayos at magampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.”

Ito ang pahayag ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na nagsabing ito ang nagtulak dito para ihain ang Senate Bill 200 o  An Act Modifying the Salary Schedule for Civilian Government Personnel, na naglalayong bigyan ng dagdag sahod ang mga civilian government personnel kabilang ang mga guro at nurses na magtatrabaho sa public institutions.

Paliwanag ni Go, nauunawaan nito ang kahalagahan ng mga ordinaryong manggagawa para makatulong laban sa katiwalian sa pamahalaan kung mabibigyan ng kaginhawahan sa buhay.

“Pangako ko noon ang increase ng sahod ng mga teacher, subalit napag-isipan ko po na maraming government workers ang kailangang isali na rin,” ani Go.

“Inuna ko po ang kapakanan ng mga Pilipinong pinaka-nangangailangan ng atensyon mula sa gobyerno. Para ito sa mga may sakit, mga ordinaryong manggagawa, mga biktima ng kalamidad, at mga kabataan na pagasa ng ating bayan. Ito ang serbisyong ipinangako ko sa inyo, serbisyo at pagmamalasakit na ramdam kahit saang dako ng bansa,” dagdag pa nito.

191

Related posts

Leave a Comment