VOTER REGISTRATION GAGAWING ONLINE

NAGHAIN ng isang panukalang batas si Senador Joel Villanueva upang makagamit ang Commission on Elections (Comelec) ng internet para sa voter registration sa harap ng banta ng corona virus 2019 (COVID-19).

Sa pahayag, sinabi ni Villanueva na napapanahon ang paggamit ng online registration ng bagong botante na praktikal na pamamaraan upang makaiwas sa banta ng virus.

Dahil dito, sinabi ni Villanueva na kanyang inihain ang Senate Bill No. 1516 noong nakaraang buwan upang payagan ang Comelec na magrehistro ng bagong botante sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng automated, online system na makababawas sa banta ng pagkakalat ng sakit.

“As part of our adjustment to the times, the Comelec should be given an option to conduct the voter registration through electronic means. Not only does it make more convenient for people to register, it will also help improve the data-keeping efforts of the commission,” ayon kay Villanueva.

Isa lamang ang naturang panukala sa tinatalakay sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms ngayon.

Ngunit, sinabi ni Villanueva na hindi madaling gawin sa maikling panahon ang pagggamit ng online system, kaya pinapayagan ng panukala ang gumamit ang ahensiya ng online application verification system na kailangan magsumite ang gustong magparehistro ng mga pangangailangang dokumento sa online.

“We must adjust to the times that we have. Creating an online platform will help lighten the burden of Comelec to process applications manually, and our people can be a registered voter right in the comfort and safety of our homes,” giit ni Villanueva. ESTONG REYES

69

Related posts

Leave a Comment