YELLOW, RED ALERT NA NAMAN SA LUZON

powerplant12

(NI DAHLIA S. ANIN)

PINAGHAHANDA ang mga residente ng Luzon dahil maaring magkaroon ng mga power interruption ngayong araw ng Miyerkoles, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ipatutupad ang yellow alert sa Luzon ngayong araw ng Miyerkoles mula alas 8:00 hanggang alas 10:00 ng umaga, alas 4:00 hanggang alas 6:00 naman sa hapon at alas 7:00 hanggang alas 11:00 ng gabi.

Nasa red alert naman mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon. At alas 6:00 hanggang alas 7:00 ng gabi.

Sinabi ng NGCP na ang kapasidad na magagamit lang ay 10, 471 megawatts(MW) ngunit inaasahan na mas tataas ang demand nito ng 10, 525 MW.

Hindi pa sinasabi ng ahensya ang dahilan ng pagbigay ng babala ngunit magbibigay din ng pahayag ang Department of Energy ukol dito.

64

Related posts

Leave a Comment