12AFGR COMMUNITY PROJECT MATAGUMPAY

DINUMOG ng mahigit sa 200 kabataan kabilang ang kanilang magulang ang masarap na arroz caldo na inihain ng 12th Air Force Group Reserve (12AFGR) na ginanap sa San Fernando De Dilao Parish (Paco Church) sa lungsod ng Maynila nitong Agosto 14, 2023.

Alinsunod ito sa nilagdaang kasunduan o Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Advocates and Keepers Organization of OFW (AKO-OFW) Inc. na kinatawan ng kanilang National President na si Marcia Sadicon habang sa hanay ng 12AFGR ay kinatawan ni Group Commander na si LTC Donald Patrick Lim.

Nilalaman ng kasunduan ang pagtutulungan ng dalawang organisasyon sa pagbibigay ng tulong sa mamamayan ng siyudad ng Makati, Mandaluyong, San Juan, Pasig, Pateros at Taguig.

Ang nasabing programa ay pinasimulan sa banal na misa na pinangasiwaan ng kura paroko na si Fr. Sany De Castro na kung saan ay kanyang pinasalamatan ang buong pwersa ng Air Force Wing Reserve na pinamumunuan ni Wing Commander BGen Charito B.Plaza.

Mahigit 74 na reservist ang lumahok sa community feeding program katuwang ang mga kasapi ng Knights of Columbus Paco Council, Catholic Women’s League, Basic Ecclesial Community Leaders ng parokya ng Paco.

Ang 12AFGR ay pinamumunuan nina LTC Donald Patrick Lim, Major Celerino Umandap, Major Hazel Tagupa at Major Carl Diputado.

261

Related posts

Leave a Comment