2 CHINESE NATIONAL ARESTADO SA P102M SHABU

TINATAYANG aabot sa 15 kilo ng hinihinalang shabu na hinihinalang nagkakahalaga ng P102 milyon ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi, na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa dalawang Chinese nationals.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang mga dayuhang suspek ay nakilalang sina Bin Hu, 42, tubong Hunan, China at residente ng Ecoland Phase 1, Matina, Davao City, Davao del Sur at Jiankang Liang, 40, tubong Hunan, China a ng 1329-A Filmore St., cor Gil Puyat Ave., Palanan, Makati City.

Ayon sa report, bandang alas-6:45 ng gabi (July 4) nang ikasa ng mga tauhan ng PDEA RO National Capital Region (NCR), katuwang ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Malate Police Station 9 (PS-9) ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa CCP Bay Terminal Parking Lot, sa Malate, na sakop ng Barangay 720.

Bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga dayuhan kaya’t agad na tinarget ang mga ito sa isang buy-bust operation.

Nang magpositibo ang operasyon ay agad nang inaresto ang mga suspek na nakumpiskahan ng tinatayang may kabuuang 15 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000,000.

Kabilang dito ang 1 kilong shabu, na siyang target ng operasyon at 14 na kilo pa na nakuha sa pag-iingat ng mga suspek.

Sina Hu at Liang ay kapwa nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (LILY REYES)

53

Related posts

Leave a Comment