2 ILLEGAL LOGGERS SWAK SA REHAS SA BATANGAS

BATANGAS – Huli sa akto ang dalawang lalaking ilegal na nagpuputol ng mga puno, sa isinagawang Oplan Kalikasan ng mga awtoridad sa Barangay Natatas, sa bayan ng Tanauan sa lalawigang ito, noong Lunes ng tanghali.

Naaktuhang bitbit pa ng mga suspek na sina Jose Salazar Rebowa at Edvil Mario Manahan Perez ang chainsaw nang salakayin ng mga operatiba ng CIDG-PFU Batangas at Tanauan City Police Station ang lugar.

Narekober ang limang puno ng mangga at chainsaw na may serial No. 18810548, na gagamiting ebidensya laban sa mga suspek,

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002. (CYRILL QUILO)

208

Related posts

Leave a Comment